Saturday, 4 June 2011

Blog ni Genesis

HULI NA BA ANG LAHAT????


Maraming tao ang di pa nakauunawa ng salita ng Diyos at hindi alam kung ano ang katotohanan at minsan pumasok sa isip ko na ano kaya ang mangyayari sa kanila pag dumating na ang Panginoon.

Merong ibang tao ang nagsasabi na ang Diyos ay darating na sa itinakda niyang araw ngunit sabi ng Diyos sa Biblia “walang sinuman ang nakaaalam ng aking pagdating tanging ang Diyos ama lang’. Pero patuloy pa rin sila kahit na sila ay mali. Papaano kaya sila mailalagay sa tamang landas? At napakarami pang tao na di alam ang tunay na pagiging mabait, masipag at matiyaga dahil ang tanging sagot lang ay tanggapin mo ang Diyos ng buong puso. Pabayaan mo Syang pumasok sa puso mo at purihin mo Sya. Ngunit ang ibang tao ay mali ang sinasamba, pinupuri nila ang diyus-diyosan kahit na ito ay nakalagay na sa Biblia na wag sambahin. Ano kaya ang mangyari sa kanila pag nalaman nilang huli na ang lahat.

No comments:

Post a Comment