Guys, may panahon pa. May panahon pa para magbago. Alam ko mahirap pero, hindi pa huli ang lahat. Iwan niyo na ang masasamang gawa at mamuhay kayo ng may Diyos sa puso ninyo.
Naririnig niyo ba ang mga balita? Ang dami ng nangyayari sa mundo. Malapit na ang judgement day at ayokong kayo ay mapahamak. May mga nagsabi na kung kalian ang araw ng paghuhukom. Pero sinasabi ko sa inyo, “ ang muling pagdating ni God ay tulad ng isang magnanakaw sa gabi”. Walang may alam. Wala sinuman ang nakakaalam ng araw ng paghuhukom.
Pero paano kapag dumating na ang araw na iyon? Alam niyo ba kung saan kayo mapupunta?
Mahirap ang mapunta sa hell. Sobrang hirap guys. Tunay ang dagat dagatang apoy at tunay rin na puro paghihirap ang mararanasan doon. Habang buhay na paghihirap ang mararansan sa hell.
Gusto niyo ba doon? Wala naman sigurong maghahangad na mapunta sa hell diba. Kung ayaw niyong mapunta dun, magsisi ka, iwan mo ang mga dating gawa na hindi kalugod lugod sa mata ng Diyos. Panahon na para magsisi at magbago.
Ito sana ang gusto kong sabihin sa mga classmates ko. Pero kung mabigyan man ako ng chance para magsalita sa harap nila, hindi lang siguro yan ang masasabi ko. Hindi man nila marinig ito sa akin, sana man lang mabasa nila ito ………..........………………………………………………………………………………………..........................................................................……………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………………..…................................................................................................................................................................................................
john rymar sarbues
No comments:
Post a Comment