I planned it for two months. I even requested to change my year level para lang makuha ko ang dati kong hinandle – ang 2Core Clan. Maraming paraan ang ginawa namin. Maraming nagtransfer, maraming gusto mag-enrol uli. Gusto kong ako uli ang adviser nila. Dahil gusto rin naman nila ako. In short, gusto naming magsasama uli.
Pero minsan may pagkakataon talagang kailangan mong magdesisyon o mamili. Nagkaroon ng random na distribution ng mga estudyante .Kasamaang palad, di sila napa-assign sa amin. I was thinking. Ilalaban ko ba sila? Kasi parang di ako matahimik. Hindi ko kapit ang desisyon nila. Tatanggapin ko na lang ba? Bilang pagsunod sa mga decisions ng mas higit na nakakaalam.
Naalala ko yung sa UP. Sabi nga nung asawa ni Fredericksen..di ko talaga malimutan yun. “Go. Find a new adventure.” I should hope for the best and prepare for the worst.
Palagay ko’y magtatampo ang mga yun. Susubukan ko pa rin. Got to find ways para matuloy ang SWAP with III-Quezon.
Sa totoo lang ayoko ng isipin kaya ako nasulat. Mailabas ko kung ano ang nararamdaman ko. Maiging ihanda ko na rin sila sa maaaring mangyari. Ayokong ayawan nila ang bagong adviser nila.When worst comes to worst. Ganun na yun. Tanggapin na lang dapat mangyari. Tapos.
If the decision will be final, and there’s nothing I can do. I know that God has His plans. I leave it all up to Him.
Let Thy will be done.
Gusto ko na ring makatulog ng walang iniisip.
By the way it’s not just a very big deal after all.
Masyado ko lang dinidibdib ang pangyayari.
Chill! I guess I should focus more in serving Him rather than myself.
No comments:
Post a Comment