Edad 31 yrs Old ang nasabing taon ay sapat na para mapatunayan ko na ang buhay ay hindi madali napakalawak nito at ito ay komplekado, ang simpleng Gawain tulad ng pagtatanim ng gulay napapalooban ng mga sekreto, hiwaga at maraming Talino ang nakapaloob dito para sa pag-usbong tungo sa pag-lago papunta sa pag-ani.
Mahirap at hindi biro ang buhay ng isang tao hindi puwedeng makakain kung walang pera at hindi ka magkakapera kung wala kang trabaho, At ang natanto ko rin ay lagi na diyan ang problema an doon ang katotohanan na hindi sapat ang ating lakas para sagupain ang sangdamukal di mabilang na mga problema sa ilalim ng sumisikat at lumulubog na araw…….
Ang katotohanan pala ang tao ay punong-puno ng kahinaan napakahina at kapos sa kakayanan para sa pag-abot ng kanyang naisin mga kapatid walang taong hindi nangangailangan sa Panginoong Jesus sa kanyang Pag-ibig, Kapangyarihan, Kagalingan, Kapayapaan, Katotohanan, Kabutihan at Paglilitas
Thanks for viewing “my God keep you safe ”
Yours: Jerome
God is with you kuya... kaya po malakas ka na.. =)
ReplyDeletekaye here =p
ReplyDelete